advertisement
Showbiz News

Kapuso celebrities, personalities get own stars in Walk of Fame

1 of 19

Atty. Felipe L. Gozon

Isa sa mga bagong kinilala sa Walk of Fame ay ang Chairman at advisor ng GMA Network na si Atty. Felipe L. Gozon.

2 of 19

Out of place

Ayon pa kay Atty. Gozon, pakiramdam niya ay out of place siya dahil hindi naman siya artista.

3 of 19

Proud

Proud umano si Atty. Gozon at ang anak niya na si GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Vlades dahil, bukod sa pagiging parte ng event, kabilang din ang ilang Kapuso artists and personalities sa mga bagong kinilala sa Walk of Fame.

advertisement
4 of 19

Richard Yap

Kabilang sa mga bagong nakakuha ang sariling star sa Walk of Fame ang 'Abot-Kamay na Pangarap' star na si Richard Yap.

5 of 19

Surreal

Surreal umano para kay Richard ang makatanggap ng Walk of Fame star dahil hindi niya inaasahang tatagal siya sa industriya ng mahigit limang taon.

6 of 19

Michelle Dee

Hindi makapaniwala at hindi rin inaasahan ng 'Black Rider'star na si Michelle Dee na makakakuha siya ng Walk of Fame star.

advertisement
7 of 19

Grateful

Nagpapasalamat ang Miss Universe Philippines 2023 sa pagkilala sa kaniyang mga nagawa hindi lang sa entertainment industry, kundi maging sa kaniyang passion at advocacies.

8 of 19

Sanya Lopez

Naiiyak naman ang 'Pulang Araw' star na si Sanya Lopez nang tanggapin niya ang Walk of Fame star.

9 of 19

Missing her tatay

Miss na miss na ni Sanya ang Walk of Fame na si German Moreno, na kanyang tatay sa showbiz. Hiniling niya na sana magkasama sila sa gabing iyon.

advertisement
10 of 19

Johnny Manahan

Nagpapasalamat din ang film at TV director na si Johnny Manahan, o mas kilala bilang si Mr. M, sa pagkilala sa kanya sa Walk of Fame.

11 of 19

Lhar Santiago

Overwhelmed naman si Lhar Santiago sa pagkilala sa kanya sa Walk of Fame. Hindi niya inakalang puwede pala siyang makakuha ng sariling star rito.

12 of 19

Honored and thankful

Honored din si Lhar sa natanggap na star at puno ng pasasalamat sa yumaong si Kuya Germs para rito.

advertisement
13 of 19

Joel Reyes Zobel

Nabigyan din ng Walk of Fame star ang DZBB anchor na si Joel Reyes Zobel.

14 of 19

Family

Kasama ni Joel ang kaniyang pamilya sa pagtanggap ng prehistiyosong parangal na ito.

15 of 19

Pasasalamat

Malaki ang pasasalamat din ng inductees, kabilang na sina Sanya at Lhar, kay Kuya Germs sa pagkakasama nila sa Walk of Fame.

advertisement
16 of 19

Full support

Full support din sina Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdez, GMA President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr., ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Kapuso inductees.

17 of 19

Entertainment industry

Kasama rin nina Atty. Annette at Mr. Duavit ang Senior Vice President for Corporate Strategic Planning and Business Development na si Regie C. Bautista at si GMA First Vice President for Program Management Jose Mari R. Abacan sa pag-welcome sa bagong Kapuso Inductees.

18 of 19

Federico Moreno

Nakasama rin nila ang anak ni Kuya Germs na current president at general manager ng Eastwood Walk of Fame na si Federico Moreno.

advertisement
19 of 19

Vic del Rosario Jr. and Luis Manzano

Nakasama rin ni Atty. Gozon si Viva Communications, Inc Chairman and CEO Vic del Rosario at kapwa nila inductee, ang actor-TV host na si Luiz Manzano.