Showbiz News

WATCH: 'Bubble Gang' stars todo ang performance sa kanilang thanksgiving mall show

By AEDRIANNE ACAR
 
Dinagsa kahapon ang thanksgiving mall show ng longest-running at multi-awarded gag show na Bubble Gang sa Market! Market!, Bonifacio Global City.
 
#IMBG20: Kapamilya actress Sunshine Cruz reunited with her former co-stars in 'Bubble Gang' 
 
#IMBG20: Behind-the-scenes ng 'Bubble Gang' documentary ipinasilip
 
Ito ay pasasalamat ng Bubble Gang cast sa lahat ng suporta na tinanggap nila sa loob ng dalawampung taon. Todo nga sa paghataw ang Kapuso comedian na si Sef Cadayona para mapasaya lang ang mga manonood.
 
 
Patok din ang naging performance nina Boy 2 Quizon, Roadfill Sparks at James ‘Moymoy’ Macasero.
 
 
Napuno naman ng hiyawan nang mag-perform sa stage ang Bubble Shakers na binubuo nina Andrea Torres, Sam Pinto, Max Collins at Arny Ross. Sinayaw nila ang hit song ni Dawin na ‘Dessert.’