Showbiz News

Ano-ano ang dapat abangan sa 20th anniversary ng 'Bubble Gang?'

By AEDRIANNE ACAR

 
Puro pasasalamat ang nais ipaabot ng cast ng Bubble Gang para sa lahat ng pumuntang Kapuso sa thanksgiving mall show nila sa Market! Market! noong Huwebes (November 19). Ito ay bahagi ng kanilang 20th anniversary celebration ngayong buwan.
 
#IMBG20: Maraming Salamat mga Kababol!
 
WATCH: 'Bubble Gang' stars todo ang performance sa kanilang thanksgiving mall 
 
Sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras ngayong gabi sa veteran comedienne na si Rufa Mae Quinto, susi sa tagumpay ng kanilang gag show ay ang mga Kababol loyalist nila sa loob ng dalawang dekada.
 
Saad ni Rufa Mae, “Siguro nananalaytay sa kanilang pagka-Pilipino ang humor ng Bubble Gang, eh pang-komedy naman natin ay Filipino humor din talaga. So, sa awa ng Diyos nandidiyan sila lang lahat. Nagpupuyat sila kahit ano'ng mangyari. Umulan, bumagyo, [o] umaraw lahat na."
 
Inabangan din sa mall show ng Bubble Gang ang paghataw ng sikat na girl group na Bubble Shakers. Ayon kay Andrea, masuwerte raw siya na mapasama sa cast ng award-winning gag show na noon ay napapanood lang niya sa TV.
 
Ayon kay Andrea, “Super honored lalo na kapag fan ka ever since bata ka, pinapanood mo na tapos bigla ka na lang masasama dun. So, siyempre very, very happy.”
 
Dugtong naman ng Juan Tamad star na si Max Collins na hindi raw nila inaasahan na ganun sisikat ang kanilang grupo at palaging hinihintay ng mga Kapuso viewers ang sizzling dance number nila tuwing Biyernes ng gabi.
 
“Nung nag-start kami we didn’t expect na magiging grupo talaga siya, as in parang testing-testing lang and then nagpapasalamat kami na nagustuhan ng mga tao ‘yung mga sayaw namin,” ani Max.
 
20th Anniversary
 
Dapat din daw abangan ng mga Kababol natin ang documentary special na ginawa ng GMA News and Public Affairs na malapit nang mapanood sa darating na November 27.
 
Kuwento ni Antonietta a.k.a Betong Sumaya, “Twenty years na ang Bubble Gang sobra talaga kaming happy dahil malapit ng ipalabas ‘yung 20th anniversary [documentary na]  News and Public Affairs ang nag-produce. ‘Yung evolution ng Bubble Gang from year one hanggang year 20, siyempre headed by Sir Mike Enriquez and Ms. Jessica Soho.”