Showbiz News

Renz Valerio, may mensahe sa mga tagasubaybay ng 'Beautiful Strangers'

By MARAH RUIZ, Interview by MICHELLE CALIGAN
 
Masayang masaya raw ang young Kapuso actor na si Renz Valerio sa pagkakabilang niya sa GMA Telebabad drama na Beautiful Strangers
 
Si Renz ang gumaganap bilang Jason, ang kapatid ni Joyce, na siya naman ginaganapan ni Lovi Poe. 
 
READ: Renz at Lovi, natural ang working relationship
 
May konting lungkot man dahil malapit na itong magtapos, masaya naman daw siya sa naging takbo nito. Kaya naman sa isang eksklusibong panayam niya sa GMANetwork.com, nagpaabot ang binata ng mensahe para sa mga tagapanood ng serye.
 
"Unang una gusto ko pong pasalamatan 'yung never ending support nila para sa GMA and siyempre sa Beautiful Strangers. It's been a good run for the show. The production and the cast is very happy about the outcome of the show," bahagi nito. 
 
Umaasa rin si Renz na maging ganito pa rin kainit ang pagtanggap ng mga manonood sa mga susunod pa niyang mga projects. 
 
READ: Renz gets his wish for 17th birthday
 
"Sana huwag po silang magsasawa hanggang sa susunod. Hanggang sa uulitin, sana ganun pa din ang pagmamahal na ipakita nila," pagtatapos nito. 
 
Huwag bibitiw sa nalalapit na pagtatapos ng Beautiful Strangers, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Little Nanay sa GMA Telebabad.