Showbiz News

#IMBG20: Betong Sumaya says playing Antonietta brought him to places

By AEDRIANNE ACAR

Itinuturing na pinaka-highlight ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya ng kanyang career ang pagiging cast member niya sa longest-running gag show na 'Bubble Gang.'

Betong Sumaya, nag-alangan i-spoof ang kalye-serye ng 'Eat Bulaga'

Alden Richards, pinagdudahan ang sarili kung magtatagal sa showbiz

Move over Marian: A new Primetime Queen is in town!

Kuwento ni Betong ng makapanayam siya ng GMA Network.com, hanggang ngayon daw hindi pa rin siya makapaniwala na dati ay napapanood lang niya ang 'Bubble Gang,' pero heto ngayon at isa na siya sa mga mainstay ng show.

"Sa akin parang isa na 'to sa pinaka-highlights ng career mo. Alam mo 'yun parang mapasama ka sa 'Bubble Gang' na talagang isang institusyon na pinapanood mo noon pa, tapos ngayon kasama ka."

"Grabe parang eto na 'yung magandang puwede mo ng ilagay o number one na kung sa resume ba, 'eto ‘yung pinaka-una mong ilalagay doon. Tapos siyempre 'Bubble Gang' ibang klase [laughs]."

Antonietta, his ticket to travel abroad

Lubos din ang pasasalamat ni Betong sa bumubuo ng 'Bubble Gang' na siya ang pinili na gumanap sa karakter ng teleserye evil queen na si Antonietta.

Para kay Betong, mas nakilala siya ng mga tao saan man siya magpunta.

"Siyempre 'yung walang iba kundi 'yung Antonietta talaga kasi kung makita natin grabe! Yun talaga 'yung kumbaga once na lumalabas ako yan ang naalala palagi [si] Antonietta," ani ng Kapuso star.

Kapuso stars land in Vancouver for concert

Dagdag pa niya, dahil din kay Antonietta nakakapunta siya sa ibang bansa para makapag-show sa harap ng mga kapwa Pilipino.

Aniya, "Dahil sa Antonietta nakakarating ako sa ibang bansa, so parang nakaka-wow. Sobra akong thankful at blessed na nakakasama ako doon, tapos 'yung Antonietta ko 'yun 'yung pinaka-opening act sa bawat show. Alam mo 'yun kapag makikita mo 'yung pagtanggap ng mga tao, alam nila 'yung role."