Showbiz News

Aiai delas Alas, thankful sa success ng kanyang concert para magpatayo ng simbahan

By CHERRY SUN

Kahapon ay matagumpay na dinaos ang 'For the Love of Mama' benefit concert ng Philippine Comedy Queen na si Aiai delas Alas.

Makikita sa mga litratong ibinahagi ng 'CelebriTV' at 'Sunday PinaSaya' host na jam-packed ang SM Mall of Asia Arena kung saan ginanap ang kanyang fundraising event para sa pagpapatayo ng simbahan.

READ: Aiai delas Alas, magpapatayo ng simbahan

 

Dahil dito ay punong-puno ng pasasalamat si Aiai. Aniya sa kanyang Instagram post, "Sa lahat ng aking mga guest, sa staff and crew.. sa lahat ng mga taong nanood at nag-share ng tulong the best way they can.. ang mga tulong na nanggaling sa kanilang puso upang makapagpatayo ng simbahang karapat-dapat para sa Kristong Hari – Maraming maraming maraming salamat po. God bless you more and more!"

Kabilang sina Alden Richards, Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Kylie Padilla at Sancho delas Alas sa mga Kapuso na naging bahagi ng 'For the Love of Mama.'