Showbiz News

#IMBG20: Jan Manual considers 'Bubble Gang' team as his family

By AEDRIANNE ACAR

Isang humbling experience daw para sa 'StarStruck' graduate na si Jan Manual na maging isa sa mga mainstay ng longest-running at multi-awarded gag show na 'Bubble Gang.'

LOOK: When the camera stops rolling in 'Bubble Gang'

#IMBG20: Three reasons why the documentary special of 'Bubble Gang' is a must-watch

#IMBG20: ‘Bubble Gang’ 20th anniversary pictorial

Ayon kay Jan, susi daw sa tagumpay ng programa ang mga tao na nasa likod ng camera.

"Siyempre masaya ako na naging part ako ng longest-running gag show at  mapalad ako na kasama ako dito."

"Siyempre sa lahat ng bumubuo ng 'Bubble Gang,' ako, wala pa naman ako doon nandiyan na kayo, kayo 'yung isa sa mga nagpapalakas ng show," dagdag ng aktor.

Pamilya na daw niyang maituturing ang lahat ng tao na kabilang sa programa.

"Kung wala kayo, siyempre hindi rin magiging ganun ka-solid etong 'Bubble Gang' na 'to, 'yung pamilya rin talaga siya. Si God na talaga ang mag-be-bless sa inyo, talagang mas i-bless kayo sa lahat ng areas sa life niyo," ani ng Kapuso actor.

Promise to the televiewers

At dahil mag-se-celebrate na sila this week ng kanilang 20th anniversary sa darating na Biyernes, November 27, ipinangako ni Jan na mas dapat daw tutukan ng mga televiewers ang mga susunod nilang episode, dahil gagawin nila ang lahat para mapasaya ang mga solid Kababol fans every week.

Aniya, "Siyempre mas i-pe-pray natin na mas tumagal and hindi kami magsasawa na mag-isip pa nang mga bagay na talagang mas mapapasaya kayo."