Showbiz News

Dingdong Dantes celebrates 'National Day for Youth in Climate Action'

By FELIX ILAYA

Nakapanayam ni Suzi Abrera kaninang umaga (Nov. 25) ang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, climate change advocate, at first-time dad na si Dingdong Dantes sa Rizal High School, Pasig.

LOOK: Dingdong Dantes leads celebration for National Day for Youth in Climate Action

Naroon ang Kapuso Primetime King para ipagdiwang ang National Day for Youth in Climate Action.

Aniya, "Ngayon ang tinatawag na National Day for Youth in Climate Action o #NowPH Day via a Presidential Proclamation. Ibig sabihin, taon-taon, ise-celebrate ng mga kabataan ang #NowPH Day tuwing November 25. Ngayong umaga, magaganap 'yung tinatawag nating isang Human Banner kung saan dito magcu-cumulate lahat ng mga efforts, lahat nung signatures na nakuha natin magmula noong nag-launch tayo ng October 6.

"So far, naka-exceed na tayo ng ating minimum which is a million so more than a million voices na. Meron pang natitirang tatlong araw para mag-participate, just log on to http://www.nowph.org and make your voice count! Mamaya 'yung turnover ng lahat ng mga pirma ng mga kabataan para mai-present natin sa COP21 sa Climate Change Conference in Paris, France this end of the month."

READ: Dingdong Dantes's climate change campaign #NowPH receives 1.2 million pledges 

Hopeful si Dingdong na makakasama siya sa Climate Change Conference sa Paris kung wala namang magiging aberya.

"Sa ngayon, oo unless may mga aberya pero mahalagang-mahalaga talaga 'yon kasi doon natin made-determine kung ano ba 'yung magiging kinabukasan natin pagdating sa climate change kasi ang gusto natin magkaroon talaga ng isang strong and binding agreement [ang] ating mga world leaders dahil siyempre, alam naman natin na nararanasan natin 'yung mga extreme weather conditions gaya ng Yolanda, 'yung mga bagyo, 'yung tag-tuyot at talagang magpapatuloy pang mag-worsen 'tong mga 'to kung hindi tayo mag-curb ng ating mga greenhouse gas emissions. Siyempre gusto natin ma-assure 'yung kinabukasan ng susunod na henerasyon hindi ba?"

Speaking of susunod na henerasyon, kamusta na ba sina Marian Rivera at Baby Letizia?

READ: Dingdong Dantes's first interview after Baby Letizia's birth

Sagot niya, "Okay naman, andoon sila ngayon sa ospital. After this, babalikan ko sila and hopefully clear naman ang lahat para makauwi na kami, malaki  ang posibilidad. Uwing-uwi na kami! So far healthy sila pareho. Sa awa ng Diyos, wala namang nakikitang red flags at siyempre patuloy kaming nagdarasal araw-araw na maging healthy sila all throughout."

Inamin din niya na bilib siya sa katatagan na pinamalas ng kaniyang misis throughout giving birth.

"Kahit na nakikita ko 'yung pinagdaraanan niya, 'di ko naman masasabing alam ko kung gaano kasakit, I will never know. Pero siyempre ang mahalaga, nandoon lang ako sa tabi niya. Ako, personally, nakita ko na mahirap pala talaga 'yung pinagdaraanan ng mga mothers and hangang-hanga ako sa kaniya ngayon."

Kahit nasa ospital pa ang kaniyang mag-ina, nakahanap pa rin si Dingdong ng time para makadalo sa National Day for Youth in Climate Action dahil importante din sa kaniya ang kaniyang duties to the environment.

"Mahalaga rin talaga ito 'di lang para sa akin kung hindi siyempre para sa lahat ng susunod na henerasyon dahil kung anuman ang magiging kasunduan dito sa Conference of Parties sa Paris, 'eh tayo din ang magbe-benefit later on. Pero siyempre ang mahalaga diyan magkaroon din tayo ng participation 'di ba? Hindi lang basta-basta pirma, hindi lang basta-basta 'yung boses natin 'yung paparating natin.

"As citizens, we have 15 simple ways on how to participate in climate action; halimbawa, kunwari mayroon kayong mga gadgets na hindi naman ginagamit, i-unplug n'yo na lang 'yan, gumamit kayo ng mga energy efficient na appliances. Andoon sa website 'yan, these are what we call the 15 simple ways so kahit naman hindi ka scientist or environmentalist puwedeng-puwede mo siyang gawin."

Lastly, nagpasalamat si Dingdong sa GMA.

"Thank you to GMA for always being there, sobrang saksi sa lahat ng highlights sa aming buhay."