Showbiz News

AlDub at Lola Nidora imahe ng 'Filipino Values Month'

By ANICA SAMODIO 

Ayon sa Official Gazette of the Republic of the Philippines, ang buwan ng Nobyembre ay ang “Filipino Values Month” kung kaya’t ginawang poster ang AlDub at si Lola Nidora kung saan inilarawan ang tradisyon na pagmamano at paggalang.


Nakasaad sa Proclamation No. 479 na ang buwan na ito ay nakatuon sa pagtaguyod ng kulturang Pilipino na pagiging maka-Diyos, makatao at makabayan. At dahil ipinapakita ang magagandang asal tulad ng pagrespeto, pagbibigay importansya sa pamilya at ang tradisyonal na panliligaw sa Eat Bulaga kalye-serye, ang mga pangunahing tauhan nito ang ginawang imahe para sa poster ng naturang ahensiya.