Showbiz News

Arny Ross on 'Bubble Gang': 'Kung hindi dahil sa Bubble wala na ako sa showbiz'

By AEDRIANNE ACAR

Maraming dumating na blessings this year para sa Bubble Shaker na si Arny Ross. Bukod sa mainstay siya sa Bubble Gang, kinuha rin ang pretty star para maging cover girl ng isang sikat na men’s magazine.

#IMBG20: Kababol's top choice

MUST-SEE: Why Arny Ross could be the next sexiest woman in the world?

Gumanap din siya sa GMA Telebabad series na Marimar bilang kontrabida ni Megan Young na si Amale. Kaya ganun na lang ang pasasalamat ni Arny sa gag show nang makapanayam ng GMANetwork.com.

Nakaka-proud para sa kanya na kahit papaano ay naging part siya ng dalawampung taon ng multi-awarded show tulad ng Bubble Gang.

Saad ni Arny, “Ang saya lang kasi twenty years na ‘yung Bubble. At least naging part kami 'di ba, matapos man siya. Ang tagal na ng Bubble kaya parang sobrang iba ‘yung experience ko dito.”

Dagdag pa ng dalaga, utang na loob daw niya ang career niya ngayon sa gag show.

“‘Eto ‘yung hindi ko makakalimutan sa buong showbiz career ko, dahil kung hindi dahil sa Bubble wala na ako sa showbiz.

“Dahil sa Bubble Shakers doon ako nakuha ng FHM.”

LOOK: Bubble Babe Arny Ross swims with the Butandings of Oslob