Showbiz News

'Search for the real Sheryl Cruz' on 'Dangwa'




Painit ng painit ang mga tagpo sa 'Dangwa' habang lalong umiigting ang love triangle nina Janine Gutierrez, Mark Herras, at Aljur Abrenica.  Simula nang bumili ng bulaklak ang mayamang arkitekto na si Lorenzo (Aljur Abrenica) sa tindahan ni Rosa (Janine Gutierrez), mukhang "na-threaten" ang bestriend niyang si Baste (Mark Herras). Ngayong linggo magtatapat na ba ang isa sa kanila? Ngayong linggo na ba magaganap ang inaabangang flashmob sa Dangwa?

Samantala, bumili naman ng bulaklak kay Rosa si Mike (Geoff Eigenmann), isang detektib. Kailangan niya ng bagong strategy para sa proyektong magsasalba ng kanilang detective agency. Imbes na kay Donya (Betong Sumaya) ipamana, isang babaeng nagngangalang "Sheryl Cruz" ang pinamanahan ng lahat ng yaman ng kanyang yumaong asawa. Iha-hire niya ang agency nila Mike para hanapin ang babaeng ito. Pero ang problema, higit sa isang Sheryl Cruz ang nakatala sa NBI records at marami pala ang may parehong pangalan. Isa na rito si She (Rhian Ramos), isang simpleng taga-tinda ng ulam. Mauuna pang mahulog ang loob ni Mike kay She bago niya madiskubre na siya ang tunay na Sheryl Cruz.

Isang nakakatawa at kakaibang istorya na naman ang hatid ng pinakabagong morning kilig-serye ng GMA7. Ma-inlove every week sa 'Dangwa,' mula Lunes hanggang Biyernes, bago ang 'Princess in the Palace' sa GMA 7.