Showbiz News

Kailangang protektahan ang mga hayop sa 'Nobita and the Last Haven - Animal Adventure'

By MARAH RUIZ

Sumali si Nobita at ang kanyang amang si Nobisuke sa isang beetle-fighting competition. Talunan si Nobita sa lahat ng rounds kaya wala na naman itong humpay sa pag-iyak. Susubukan ni Doraemon na pasiyahin ang kaibigan sa pamamagitan ng paggamit ng time machine para makahanap sila ng malakas na beetle.

Pagdating nila sa nakaraan, makakahuli sila ng moa—isang ibong extinct na. Nakarating na pala sila sa Miracle Island, isang lugar kung saan nabubuhay nang mapayapa ang mga extinct na hayop kasama ang mga tao.

Ngunit may panganib na darating mula sa kasalukuyan! Isang hindi pa nakikilalang puwersa ang dadayo sa Miracle Island para hulihin ang mga hayop dito.

Matulungan kaya nina Doraemon at Nobita ang mga hayop at tao ng Miracle Island?

Abangan ang Doraemon Movie: Nobita and the Last Haven - Animal Adventure. Panoorin ang Part 1 sa November 28, pagkatapos ng Cross Fight B-Daman at ang Part 2 naman sa November 29, pagkatapos ng Tobot sa Astig Authority ng GMA!