Showbiz News

Chef Boy Logro, ibinahagi ang sikreto sa pagpapalago ng negosyo

By ANN CHARMAINE AQUINO
Interview by MICHELLE CALIGAN

Ibinahagi ni Chef Boy Logro ang mas busy niyang schedule dahil sa lumalago nitong negosyo.


Kuwento ni Chef Boy, "Sa ngayon, napakaganda, napakatindi ng paghahanda. Siyempre naman Pasko na, maraming maraming tao palagi sa restaurant ko (7 Flavors Restaurant) so napakahirap ng schedule."

Dagdag ni Chef Boy, mahirap man magpalago ng negosyo, mas napapadali naman ito dahil sa isang technique. "Hinahati ko 'yung oras ko sa family and then school (Chef Logro's Institute of Culinary & Kitchen Services Inc.) and then of course 'yung restaurant lalong lalo na sa mga consultancies ko. Mahirap kung tutuusin pero of course time management."

Para kay Chef Boy, itong schedule na kanyang sinusunod para matutukan ang kanyang negosyo ang nagpapadali ng kanyang trabaho.

"Every week nauwi ako sa Davao sa aking eskuwelahan kasi may school ako sa Compostela Valley. May school din ako sa Cavite, may school ako sa San Juan. May restaurant ako sa San Juan, may restaurant din po ako sa Muntinlupa."

"Mahirap kung iisipin pero nagi-enjoy naman ako sa biyahe. Bigay ng Panginoon, kumbaga binuhos niyang lahat. Kailangan eh gampanan mo para lalo kang umunlad," dagdag ni Chef Boy.

READ: Chef Boy Logro at Matet Logro, bumida sa isang milk commercial