Showbiz News

Nora Aunor to Kris Bernal: 'Wag kang nenerbyosin [sa 'kin] kasi pareho lang tayong [artista] rito'

By AL KENDRICK NOGUERA

Kung first time mo makakatrabaho ang isang Superstar, normal lang na makaramdam ka ng kaba. 'Yan kasi ang feeling ni Kris Bernal tuwing kaeksena si Nora Aunor sa 'Little Nanay.'

READ: 'Lahat ng nasasampal ko [ay] umiiyak' - Nora Aunor

Kuwento ni Nora, napansin niya raw na kinakabahan si Kris sa kanilang mga eksena kaya't kinausap niya agad ito at ipinaliwanag kung bakit hindi siya dapat nerbyosin.

READ: Netizens, pinuri ang 'Little Nanay' at acting ng cast sa kanilang pilot episode

"Sabi ko, 'wag kang nenerbyosin [sa 'kin] kasi pare-pareho lang naman tayong [artista] rito. Nagkataon lang na may pelikulang magaganda [na nagawa ko noon] at saka mas matagal na 'ko sa industriya," ani Nora.

Dagdag pa niya, "Hindi dapat siya mahiya kasi mas maganda 'yung 'pag nagkaeksena kayo, magkakatulungan kayo para mas magandang lumabas 'yung mga kinukunan."

Simula raw nang makausap ni Nora si Kris ay hindi na niya napapansin na kinakabahan ang Kapuso actress.

READ: Kris Bernal, muntik nang mabawi ang 'Little Nanay' role?