Showbiz News

First on Philippine TV: Ring ni Kakero

Sa unang pagkakataon, mapapanood na sa telebisyon ang boxing anime na Ring ni Kakero!

Ito ang kuwento ng boxer na si Ryuuji Takane at ng kapatid at coach niyang si Kiku. Namana ni Ryuuji ang lakas at technique ng kanyang ama sa boxing, habang namana naman ni Kiku ang husay nito sa pag-paplano ng iba't ibang stratehiya para dito.

Maglalakbay ang magkapatid para pag-ibayuhin pa ang kanilang kakayanan. Marami silang makakaharap na magagaling na mga boksingero na kapupulutan nila ng iba't ibang aral.

Subaybayan ang Ring ni Kakero, Lunes hanggang Biyernes, simula November 30, pagkatapos ng Pokemon XY sa mas pinalakas na GMA Astig Authority!