Showbiz News

Rocco Nacino surprises mom with a video message from Gabby Concepcion

By MICHELLE CALIGAN

Isa si Beautiful Strangers star Rocco Nacino sa mga dumalo sa opening ng SM Seaside Mall sa Cebu, at nakasama niya rito ang newest Kapuso na si Gabby Concepcion. Mapapanood ang aktor sa upcoming romantic comedy series na Because of You.

READ: Gabby Concepcion on doing 'Because of You': "It's a fresh start"

Hindi naman pinalampas ni Rocco ang pagkakataon na humingi kay Gabby ng isang video message para sa kanyang Mommy Linda, na fan pala ng leading man ni Carla Abellana.

"Hi Linda, how are you? Take care 'cause I care," saad ni Gabby.

Sinundan ito ng tawanan mula kina Rocco at Daddy Ralph, with Rocco teasing his mom, "Uy kilig!"

READ: Rocco Nacino requests privacy on rumored breakup with Lovi Poe