Showbiz News

Christmas Cartoon Festival Presents... 'Elf on the Shelf'

By MARAH RUIZ

Dahil palapit na nang palapit ang Pasko, handog ng GMA ang mga morning cartoons na magdadala ng mga mabubuting aral sa Christmas Cartoon Festival Presents!

Buksan ang Christmas season kasama ang Elf on the Shelf. Ito ang kuwento ni Chippy, isang elf na pinadala ni Santa Claus para ipaalala sa batang si Taylor McTuttle ang tunay na diwa ng Pasko.



Pero sadyang pilyo si Taylor at gagawin niya ang isang bagay na mahigpit na ipinagbabawal. Hahawakan niya si Chippy kaya mawawalan ito ng magic!

Babalik pa ba ang mga powers ni Chippy? Magawa pa kaya niya ang kanyang misyon kahit wala na ito?

Abangan sa Christmas Cartoon Festival Presents...  "Elf on the Shelf," November 30 pagkatapos ng Pokemon XY sa GMA.