Showbiz News

Christmas Cartoon Festival Presents... 'Fat Albert's Christmas'

By MARAH RUIZ

Matapos ang nakakatuwang kuwento ng 'Elf on the Shelf,' narito na naman ang isang kuwento na maghahatid ng katatawanan at ilang aral—ang Fat Albert's Christmas.

Nag-eensayo sina Fat Albert at ang mga Cosby Kids para sa isang Christmas presentation nang biglang dumating ang may-ari ng junkyard na kinatatayuan ng kanilang clubhouse. Gusto na raw ipagiba ni Tyrone ang kanilang clubhouse!

Makikiusap naman si Fat Albert kay Tyrone na huwag itong gibain kapalit ng pagtatrabaho niya sa tindahan nito. Papayag naman si Tyrone dahil naging busy na sa kanyang tindahan dahil Pasko na.

Samantala, darating ang batang si Marshall sa clubhouse para humingi ng tulong. Walang matirahan ang kanyang pamilya dahil nawalan ng trabaho ang kanyang ama at malapit pang manganak ang kanyang ina.

Sapat na kaya ang pagtatrabaho ni Fat Albert sa tindahan ni Tyrone para maisalba ang kanilang clubhouse? Paano tutulungan ng Cosby Kids ang pamilya ni Marshall?

Panoorin ito sa Christmas Cartoon Festival Presents... 'Fat Albert's Christmas,' December 1 pagkatapos ng 'Pokemon XY' sa GMA.