Showbiz News

Maine Mendoza, nahirapan daw umiyak sa kalye-serye episode today?

By AEDRIANNE ACAR

Bumaha ng luha ngayon sa episode ng kalye-serye ng Eat Bulaga dahil sa nakakaantig damdaming moments nina Alden Richards at Maine Mendoza.

READ: AlDub will be featured again on BBC News

Paano kaya hinandle ng AlDub ang nakakaiyak na episode this Friday (November 27)? Ayon sa Twitter post ng AlDub fan na si Karen Grace Paguia, puring-puri nito ang galing ng kalye-serye star. Nag-post pa nga ito ng ilang behind-the-scenes photos sa Twitter patungkol sa episode ngayong araw. Kuwento ni Karen, nahirapan daw umiyak si Maine kanina sa eksena nila ng Pambansang Bae.


Nakakabilib din daw ang professionalism ng AlDub at makikita na gusto nilang ibigay ang best nila sa kalye-serye.


Nakakamangha rin daw ayon kay Karen ang ipinamalas ni Alden na galing sa pag-arte.