Kris Bernal and Hiro Peralta, pinangunahan ang isang read-along program para sa kabataan
Published On: November 27, 2015, 05:23 PM
Updated On: November 06, 2020, 07:44 AM
By AL KENDRICK NOGUERA
Naglaan ng oras ang 'Little Nanay' stars na sina Kris Bernal at Hiro Peralta para daluhan ang read-along program ng Inquirer na ginanap kaninang umaga sa Bancal Elementary School, Meycauayan, Bulacan.
Halos walong daang mag-aaral mula Grade 1 to 6 ang nakipagsabayan sa Kapuso stars sa pagbabasa ng librong pinamagatang 'Tiktaktok' at 'Pikpakbum.'
Nagpasalamat si Kris sa kakaibang experience na 'to. "Thank you for having us! We had fun," saad niya sa kanyang Twitter post.