Showbiz News

‘God Gave Me You’ singer Bryan White, makaka-bonding ni DJ Bae Alden Richards sa ‘Sunday PinaSaya’

By BEA RODRIGUEZ

Maki-celebrate sa KrismaSaya dahil papalapit nang papalapit na ang Pasko!

LOOK: Abangan ang #SPSKrismaSaya!

Hindi lang sa Eat Bulaga! magpapa-uso ang “God Gave Me You” singer na si Bryan White, dahil bibisita rin siya sa Sunday PinaSaya ngayong Linggo upang maging guest ni DJ Bae Alden Richards.

 

Magpapakilig rin ang Pambansang Bae sa kanyang Chef Boy Next Door segment dahil tuturuan niya tayong gumawa ng “Bae-bingka.” Sino ang excited?

Samantala, na-miss niyo ba ang Comedy Concert King na si Jose Manalo? Ngayong Linggo, mapapanuod niyo na siya ulit pagkatapos niyang magbakasyon ng dalawang linggo sa US.

Gaganap siya bilang english teachers sa dalawang makukulit na batang sina Chuchay (Gladys Guevarra) at Boobsie Wonderland sa Adventures of Boobsie and Chuchay.

Sasali rin siya sa Kantaserye bilang ang balikbayan na si Noel na may mabigat na nakaraan kay Victoria na gagampanan ni Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas. Dahil dito, hindi kaaya-aya ang kanyang pakiramdam sa paparating na kapaskuhan. Bakit kaya?

Dadalo naman ang Pepito Manaloto star na si Jake Vargas bilang si Chris na magiging ka-love interest ni Kringle (Julie Anne San Jose).

READ: Julie Anne San Jose, nagkomento tungkol sa bagong Kapamilya noontime show tuwing Linggo 

Kilig ba kamo? Sasabak rin ang Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista bilang choral master na pangungunahan ang grand presentation ng mga tao sa Paskuhan Village.

Hindi pa diyan nagtatapos ang sorpresa hatid ng inyong Sunday noontime habit dahil magpapasiklaban sina Because of You stars Carla Abellana, Gabby Concepcion, Rafael Rosell, Enzo Pineda, Joyce Ching, Iya Villania, Valerie Concepcion at Bettina Carlos sa Kantaririt.

At, alam niyo bang hindi lang sa actingan magaling si Coach Cynthia (Wally Bayola) kundi pati na rin sa pagkanta? Tuturuan niya ang beteranang mang-aawit na si Ms. Kuh Ledesma sa Cynthia School of (Over) Acting.

 

READ: Bagong segements ang maagang regalo ng ‘Sunday PinaSaya’ ngayong Pasko 

Magiging katawa-tawa rin ang bagong pasabog ni Aling Goreng (Joey Paras) sa Caring Deria at may mabigat na tension na mararamdaman sa Madramarama presents Misteryo sa Teatro kasama ang buong cast ng Sunday PinaSaya.

Magkakaalaman na ngayong Linggo kaya tutok lang, mga Kapuso!