Showbiz News

Producer ng 'Sunday PinaSaya,' may pangako sa AlDub Nation

By CHERRY SUN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Sa pamamagitan ng tweets ay nagpaabot ng mensahe si Direk Mike Tuviera, isa sa mga producers ng Sunday PinaSaya, sa AlDub Nation.

Ipinaliwanag niya ang kanyang unang naging sopresa nang umabot sa isang milyon ang tweets para sa kanilang programa. Aniya, iyon ang pagtawag ni Maine Mendoza sa Sunday PinaSaya.

WATCH: “Maine, ikaw ba ‘yan?” - DJ Bae Alden Richards 
 



Nakalipas man ang sorpresa ng direktor ay pangako nito na may iba pa siyang ihinahandang surprises. Sambit niya, “Naghihintay lang po kami ng sarili naming Tamang Panahon.”
 



Ibinahagi rin niya ang patuloy na efforts ng programa na imbitahin sa Sunday PinaSaya si Maine.
 





“Pero medyo siksik po talaga ang schedule ni Menggay ngayon. But rest assured we will not stop trying! Ni-request po kasi ng #AlDubNation, kaya talagang susubukan po naming matuloy,” patuloy ni Direk Mike.