Showbiz News

All-Filipino girl group na 4th Impact, eliminated na sa X-Factor UK

By CHERRY SUN

Namaalam na ang mga magkakapatid na Cercado na sina Mylene, Celina, Irene at Almina ng All-Pinay girl group na 4th Impact sa talent show na X-Factor UK.

Makaraan ang kanilang performance ng Broadway classic na And I Am Telling You I’m Not Going para makakuha ng isang spot sa top 4 ay napabilang ang 4th Impact sa bottom two kasama si Lauren Murray.

Nakamit nila ang boto ng mga judges na sina Simon Cowell at Chery Fernandez-Versini habang sina Rita Ora at Nick Grimshaw ay bumoto para kay Murray. Dahil sa split decision ay hinayaang bumoto ang publiko, at mas mababa ang nakuhang boto ng naturang all-Filipino girl group.
 





Nawala man sa kumpetisyon, puno pa rin ng pasasalamat ang 4th Impact para sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta.

“Thanks to all who voted for us [that is] why we reach this far. Celina is ok now thanks for your prayers and love. Love u guys. Lets keep believing,” ayon sa kanilang Twitter post.