Showbiz News

Christmas Cartoon Festival Presents... 'Santa's Last Christmas'

May kalokohang nagawa ang batang elf na si Mitzi. Aksidente niyang mapapatulog ang lahat ng mga elves na nagtatrabaho sa workshop ni Santa!

Dahil dito, mukhang hindi matatapos ang paggawa nila ng mga laruan na ibibigay ni Santa Claus sa mga mababait na bata sa mundo.

Kaya kailangan itong ayusin nina Mitzi at Santa sa lalong madaling panahon. Makakatanggap naman sila ng tulong mula kay Geoffrey, isang seagull.

Sapat na kaya ito para matapos ang lahat ng mga laruan sa workshop ni Santa?

Abangan sa Christmas Cartoon Festival Presents... Santa's Last Christmas, December 2 pagkatapos ng Pokemon XY.