Showbiz News

This week on 'Dangwa': Radio Romance featuring Andre Paras and Thea Tolentino


Isang malaking 'Flashmob sa Dangwa' ang inihanda ni Lorenzo (Aljur Abrenica) para ipagtapat ang tunay niyang nararamdaman para kay Rosa (Janine Gutierrez).  Sumunod pa ang engrandeng date at harana. Kaya ba itong tapatan ni Baste (Mark Herras)?  Ngayong linggo na ba muling iibig ang ating Diwata ng Pag-ibig?



Samantala, habang nasa Dangwa, nakatutok sa radyo si Rosa, at isang love story sa radyo ang kanyang masusubaybayan - ang kwento ng  kunduktor sa bus na si Roger (Andre Paras)  at ang waitress sa karinderya na si Faye (Thea Tolentino).  Madalas tumawag sa  "Papa Dudut’s Barangay Love Stories" si Faye at ikinukwento ang kanyang customer crush na si Roger.  Madalas niyang masungitan ang binata dahil kamukhang kamukha nito ang ex niyang niloko siya pero hindi naman niya maiwasang magwapuhan sa poging kunduktor. Siyempre may hatid na swerte ang mahiwagang mga rosas ni Rosa sa pag-ibig na mamumukadkad sa dalawang puso! Isang holdapan sa bus ang mangyayari na maglalapit kay Roger at Faye.

Talaga namang love is in the air! Ma-in love every week sa pinakabagong morning kiligserye, 'Dangwa,'  mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-'Princess in the Palace' sa GMA 7.