Showbiz News

Netizens go gaga over Baby Zia's adorable photo

By AEDRIANNE ACAR

Ipinasilip na sa publiko ang mukha ng unica hija ng Kapuso Primetime couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong Huwebes (December 3).

READ: Mala-anghel na mukha ni Baby Zia, ipinasilip na nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

LOOK: 8 reasons why Marian Rivera will be the best mom in the world

Sa post ni Marian Rivera sa Instagram, ikinuwento nito ang hirap na pinagdaanan niya sa panganganak at hindi matutumbasang saya na nararamdaman niya bilang isang mommy.

“41 weeks akong nag hintay, 18 hrs na nag labor. Sa mga oras na iyon, hindi ko inaasahang makakaya ko ang lahat. Pero dahil andiyan ka sa tabi ko, sa iyo ako kumuha ng lakas. Salamat Mahal ko. @dongdantes,” ani Marian.

“At sa araw nga na iyon ng Nov 23, tuluyan na talaga tayong naging kumpleto; kasama ng Panginoon, ikaw, ako, at siya- si Maria Letizia. Ngayon, masasabi ko na tayo'y isa nang ganap na pamilya, at ako'y isa nang ganap na ina. Napakasarap ng biyayang ito. #MariaLetizia,” dagdag ni Marian.


Ilang minuto lang pagkatapos maipost ang larawan ni Baby Zia ay agad na nag-trend sa Twitter ang #MariaLetizia.

Binaha rin ng congratulatory messages ang account ng DongYan.