advertisement
Showbiz News

Jillian Ward, Jasmine Curtis-Smith, more Kapuso stars, dumalo sa Pista'y Dayat sa Pangasinan

1 of 18

Vaness del Moral

All-out ang pagho-host ng Kapuso actress na si Vaness del Moral sa naganap na Kapuso Fiesta.

2 of 18

Saya at papremyo

Puno ng saya at papremyo para sa mga Pangasinense ang dala ni Vaness.

3 of 18

Jasmine Curtis-Smith

Bigay todo rin ang Asawa ng Asawa Ko star na si Jasmine Curtis-Smith sa kaniyang performance.

advertisement
4 of 18

Well-loved

Kitang-kita kung gaano kamahal ng mga Pangasinense si Jasmine na game na game naman magpa-picture kahit habang nagpeperform.

5 of 18

Joem Bascon

Mula kontrabida, rockstar muna panandalian si Joem Bascon sa kaniyang naging performance sa naganap na Pista'y Dayat sa Pangasinan.

6 of 18

Highest level performance

To the highest level ang naging performance ni Joem sa naganap na Kapuso Fiesta. Kaya naman sinabayan siya ng mga Kapuso sa Pangasinan ang kaniyang energy at nakisaya nang husto sa aktor.

advertisement
7 of 18

Martin del Rosario

Nagbahagi rin ng song number si Martin del Rosario para sa mga Kapusong Pangasinense.

8 of 18

Turning on the charm

Ipinamalas rin ni Martin ang kaniyang charm sa mga manonood na lalo pang kinilig dahil sa binata.

9 of 18

Jillian Ward

Oozing naman sa talent ang Abot-Kamay na Pangarap star na si Jillian Ward nang mag-perform siya para sa Pista'y Dayat sa Pangasinan.

advertisement
10 of 18

Puno ng pagmamahal

Nakakabingi at puno ng pagmamahal ang mga Pangasinense kay Jillian nang mag-perform ito nitong nagdaang weekend. Hindi rin ito nag-atubili na pumirma sa poster ng fans nila ni Jeff Moses.

11 of 18

Pinky Amador

Heartfelt din ang naging performance ni Pinky Amador para sa mga Kapusong Pangasinense.

12 of 18

Mahal ng marami

Kontrabida man siya sa paningin ng marami, mahal na mahal ng mga Pangasinense si Pinky.

advertisement
13 of 18

Jeff Moses

Isang sweet na harana ang ibinigay ni Jeff Moses sa mga Kapuso sa Pangasinan nang mag-perform siya para sa Pista'y Dayat.

14 of 18

Kilit ng mga Kapuso

Kuhang-kuha rin ni Jeff ang kiliti ng mga Kapuso ng pakiligin niya ang mga dumalo sa kaniyang performance. Nagpaunlak pa ang aktor ng groufie at pumirma sa poster ng fans nila ni Jillian.

15 of 18

Kelvin Miranda

Hindi rin nagpahuli ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Kelvin Miranda sa pagbigay ng kaniyang performance at pagpapasaya ng mga Kapuso sa Pangasinan.

advertisement
16 of 18

Kilig overload

Kuhang-kuha ni Kelvin ang puso ng mga Pangasinense sa kaniyang pagpapakilig, lalo na nang maimbitahan ang ialng fans sa stage para haranahin.

17 of 18

Masayang fiesta

Ibang-iba magpasaya si Kelvin sa mga Kapuso sa nagdaang Pista'y Dayat.

18 of 18

Salamat sa mainit na pagtanggap

Siguradong hindi malilimutan nina Vaness, Jasmine, Martin, Joem, Jillian, Pinky, Jeff, at Kelvin ang nagdaang Pista'y Dayat. Salamat sa mainit na pagtanggap, Kapuso! Hanggang sa uulitin.

advertisement