advertisement
Showbiz News

Kapuso stars na naging parte ng theater production

1 of 17

Aicelle Santos

Bago pa naging Traffic Diva ng 'Eat Bulaga' si Aicille Santos ay nagpe-perform na siya sa iba't-ibang theater productions kabilang na ang 'Katy! The Musical,' 'Rak of Aegis,' 'Sabel: Love and Passion,' and 'Himala: Isang Musikal.'

2 of 17

Ken Chan

Bago pa siya naging si Doc Lyndon, naging theater actor muna si Ken Chan at lumabas sa stage play na 'A Rose for Emily.' Dito, nakatrabaho rin niya ang kapwa Kapuso artist na si Glaiza de Castro.

3 of 17

Eula Valdez

Kilala ang aktres na si Eula Vladez para sa kaniyang mga kontrabida roles, pero minsan na rin siyang gumanap bilang Morticia Addams sa theater production ng 'Addams Family' noong 2013.

advertisement
4 of 17

Garrett Bolden

Bukod sa pagganap bilang Tom Collins sa ' Rent,' nag-debut si Garrett Bolden sa dalawang Guam productions; sa 'Miss Saigon' bilang si John Thomas, at si Beast sa 'Beauty and the Beast.'

5 of 17

LJ Reyes

Nag-umpisa man bilang isang TV actress ang 'StarStruck' alum na si LJ Reyes, minsan na rin siyang nakatapak sa stage. Bumida siya noong 2015 sa 'Juego de Peligro' bilang Teresa.

6 of 17

Christian Bautista

Nakuha naman ni Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista ang unang break niya sa teatro noong 2002 noong mag-perform siya sa production ng Trumpet Musicademy ng 'The Lion, The Witch, and The Wardrobe.'

advertisement
7 of 17

Anthony Rosaldo

Bago pa siya gumanap bilang si Roger Davis sa musical na 'Rent the Musical,' gumanap na rin si Anthony Rosaldo bilang ang batang si Hector sa 'Ang Huling El Bimbo.'

8 of 17

Thea Astley

Sa 'Rent the Musical' naman ang theater debut ng The Clash season 2 first runner-up at Queendom Diva na si Thea Astley.

9 of 17

Eugene Domingo

Bago pa naging kilalang TV actress at comedienne, malaking parte ng karera ni Eugene Domingo ay sa entablado bilang miyembro ng Dulaang UP.

advertisement
10 of 17

Lotlot De Leon

Mas madalas man bumida sa mga teleserye at pelikula, minsan na ring nakatapak sa theater stage si Lotlot De Leon. Noong 2016, nagong parte siya ng cast ng 'Run Marga Run.'

11 of 17

Derrick Monasterio

Hinahangaan man siya ngayon sa kaniyang role sa Makiling, Minsan na rin naging parte ng musical na ' Rak of Aegis' si Derrick Monasterio.

12 of 17

Rita Daniela

Matapos mapatunayan ni Queendom Diva Rita Daniela ang galing niya sa pagkanta at pagiging aktres, ipinakita rin niya ang galing niya sa teatro. Noong 2018, gumanap si Rita bilang Anna sa musical na 'Eto na! Musikal nAPO.'

advertisement
13 of 17

Mark Bautista

Sinamahan naman ni singer and actor Mark Bautista ang kapwa Kapuso na si Rita Daniela sa musical na 'Eto na! Musikal nAPO' bilang si Rick, ang love interest ng karakter ng Queendom Diva.

14 of 17

Khalil Ramos

Nag-debut rin sa theater acting ang singer at actor na si Khalil Ramos nang gampanan niya ang role ni Jonathan Larson sa musical na 'Tick, Tick... Boom!'

15 of 17

Marian Rivera

Bukod sa pagiging Primetime Queen ng My Guardian Alien star na si Marian Rivera, minsan na rin niyang ipinamalas ang acting prowess niya sa teatro. Nakapag-debut siya sa entablado ng Tanghalang Ateneo sa 'Password: 03d1pu5_r3x.' ang adaptation ng first play ni Sophocles sa Oedipus trilogy.

advertisement
16 of 17

Iya Villania-Arellano

Minsan na ring nakatapak sa entablado ng teatro ang 'Chika Minute' anchor at actress na si Iya Villania nang bumida siya saa theater production ng hit romatic comedy film ng 'The Wedding Singer' noong 2010.

17 of 17

Tom Rodriguez

Hinahangaan ang galing ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez bilang isang TV actor. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, nag-umpisa siya bilang isang theater actor at minsan nang bumida sa stage adaptation ng Disney film na 'Aladdin' noong 2012. Ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas, balik teatro rin siya sa stage production ng 'Ibarra: The Musical.'