Showbiz News

Marian Rivera at Baby Zia, kabilang sa most searched topics sa Singapore, Malaysia, at Vietnam

By AL KENDRICK NOGUERA

Matapos ipasilip ang mukha ni Baby Zia noong December 3, lalong nag-ingay ang panganganak ni Marian Rivera hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa tulad ng Singapore, Malaysia, at Vietnam.

LOOK: Pagmasdan ang mala-anghel na mukha ni Baby Zia

Mismong araw na inilabas nina Marian at ng kanyang asawang si Dingdong Dantes ang larawan ng kanilang panganay ay nanguna na sa most searched topics ng Google Philippines ang Kapuso Primetime Queen at pumalo naman ito sa top 10 ng Google Malaysia.

 


Samantala, nag-trend naman si Baby Zia sa Yahoo Singapore at nakabilang din sila ng kanyang ina sa headlines ng ilang websites sa Vietnam.




LOOK: Baby Zia, featured on the front page of a major broadsheet