advertisement
Showbiz News

Love teams of Uni Love Squad ensure healthy relationship

1 of 10

 Uni Love Squad

Ipinakilala kamakailan ang Uni Love Squad kung saan tampok ang mga tambalan nina (mula sa kaliwa) Jerome Ponce at Krissha Viaje (KrisshRome); Marco Gallo at Heaven Peralejo (MarVen); at Gab Lagman and Hyacinth Callado (HyGab).

2 of 10

The Rain in España

Unang nakilala ang love team nina Marco Gallo at Heaven Peralejo, o mas kilala bilang MarVen, sa online series na The Rain in España. Ito ang unang installment sa University Series na base sa Wattpad creation ni Gwy Saludes.

3 of 10

MarVen discoveries

Ayon kay Marco, sa halos isang taon nila sa pagiging on-screen partners, nakikilala na niya nang husto si Heaven. “Over the past year that we've been together as a love team, I saw mapagmahal siya. Like, sa mga taong mimahal niya, sa mga kaibigan niya.”

advertisement
4 of 10

Unexpected

Hindi raw inaasahan nina Heaven at Marco na magkakaroon ng following ang kanilang love team.

“Hindi namin ine-expect na magkakaroon pa ng mga project. So, nakakatuwa lang din na nabigyan kami ng mga pagkakataon na maipakitang kaya pala mag-work, pwede pala. Ginusto naman, masaya naman,” sabi ni Heaven. Muli silang magtatambal sa pelikulang Men are from QC, Women are From Alabang.

5 of 10

KrisshRome

Mainit din ang pagtanggap ng fans ng University sa tambalan nina Krissha Viaje at Jerome Ponce, na binansagang KrisshRome, kahit bago lamang ang huli sa “univerkada.”

6 of 10

Closer to each other

Sa sandaling pagsasama nila, mas naging malapit na sa isa't isa sina Jerome at Krissha. Sabi pa ng aktor sa kanyang kapareha, “Ang discovery ko sa kanya, she's very curious about everything sa pinapasok niya. Willing siyang matuto, willing siyang mag-explore.”

advertisement
7 of 10

New project

Pagkatapos magpakilig sa University series na Safe Skies Archer, bibida naman sina Jerome at Krissha sa horror movie na Sem Break.

8 of 10

HyGab

Sa susunod na University series, ang Chasing in the Wild, bibida naman ang bagong tambalan nina Gab Lagman at Hyacinth Callado o mas kilala bilang HyGab.

9 of 10

Enjoying the process

Dahil bagong tambalan, inamin ni Gab na nakararamdam siya ng pressure. Pero aniya, “Pressure is good. I fell like when I feel the pressure, something big is gonna happen.”

Para naman kay Hyacinth, gusto lang niyang i-enjoy ang love team partnership nila Gab. Sabi niya, “Naturally, we hope for things to go well. For the meantime, walang expectation. I don't really expect much. I'm just enjoying the moment and the process of working together. For sure, it will go well.”

advertisement
10 of 10

Movie project

Habang naghihintay magsimulang mag-taping para sa Chasing in the Wild, mapapanood muna ng fans sina Gab at Hyacinth sa horror movie na Sem Break. Kasama nila rito ang KrisshRome love team.