Showbiz News

Juancho Trivino at Hiro Peralta, humihingi ng tips kina Nora Aunor at Eddie Garcia

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Ikinuwento nina Juancho Trivino at Hiro Peralta sa 'Walang Tulugan' na napakasaya nila sa pagkakataong makasama sa trabaho sina Nora Aunor at Eddie Garcia sa GMA Telebabad show na 'Little Nanay.'

"It's amazing na parang nakikita mo yung one of the greatest of the Philippine television [industry] in person. It's overwhelming, eh. Hindi ko ma-explain. Parang surreal," sabi ni Juancho.

Hindi rin nila maiwasang ma-starstruck minsan.

"Parang nakikita mong nag-di-drills si Michael Jordan. ['Yun] 'yung pakiramdam [ko], ganun [nung] nakita namin [sila]… Kasi first day ko [pa lang] po, ka-eksena ko agad si Ate Guy," kuwento ni Hiro.

Upang hindi masayang ang pagkakataon, sinisiguro nila na nagtatanong sila ng mga acting advice mula sa dalawang batikang aktor.

"We make it a point na tanong kami ng tanong ng questions sa kanila. Kulang na lang i-record naming lahat ng sabihin nila. Syempre kasi, gold 'yung mga sinasabi nila sa'min eh, and we try to absorb everything," dagdag ni Juancho.