Showbiz News

Ilang Kapuso stars, tampok sa Metro Manila Film Festival

By CHERRY SUN

Ibinalita sa 24 Oras na bibida ang ilang Kapuso stars sa official Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ngayong taon.

Trailer pa lang ay #KiligPaMore na ang My Bebe Love. Maliban sa kilig ay puno rin ng katatawanan ang pelikulang hatid nina Vic Sotto, Aiai delas Alas, Alden Richards at Maine Mendoza.

WATCH: Alden Richards at Maine Mendoza, nagpakilig sa official trailer ng My Bebe Love 

Maliban sa romantic-comedy film nina Bossing at Philippine Queen of Comedy, mapapanood din ang Dangwa star na si Janine Gutierrez sa Buy Now, Die Later.

READ: Janine Gutierrez, to make a film debut on an MMFF flick 

Ani Janine, “Sobrang exciting kasi dati ko pa po pangarap na makasama sa MMFF, 'tsaka maganda po talaga ‘yung kwento kasi horror-comedy so medyo kakaiba.”

Walang Forever. Ito naman ang sigaw ng 2014 MMFF Best Actress awardee na si Jennylyn Mercado para sa kanyang pelikula kasama ang hunk actor na si Jericho Rosales.

LOOK: Jennylyn Mercado and Jericho Rosales in a duet for Walang Forever theme song 

“Mas stiff tapos seryoso sa buhay. Mas makikita niyo doon sa character na nag-iisip siya kaysa sa nagsasalita siya,” paglarawan ni Jennylyn sa kanyang role.

Mapapanood ang tatlong pelikula sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival ngayong darating na Pasko, December 25.


Video courtesy of GMA News