Showbiz News

Renz Valerio, simpleng Pasko lang ang nais

By MARAH RUIZ, Interview by MICHELLE CALIGAN

Napakasimple lang ng mga plano ng young Kapuso actor na si Renz Valerio. Gusto lang daw niyang makasama ang kaniyang pamilya.

WATCH: Renz Valerio in the GMA Christmas Station ID 2015 

"Christmas is a very holy time. I want to spend it with my family, with the people that I love the most," kuwento ng binata sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Sa katunayan, isang bagay lang ang consistent na tradisyong ginagawa ng kanilang pamilya.

"Simba po. Simba, pray, tapos salusalo. Talagang as a family, parang lumalabas 'yung genuine na pagmamahalan," dagdag nito.

READ: Renz Valerio and Lovi Poe's working relationship 

Naging busy naman ang taon ni Renz dahil katatapos lang ng primetime soap niyang Beautiful Strangers kasama sina Lovi Poe at Heart Evangelista.