Showbiz News

Kilalanin si Warren Cha ng 'The Producers'

By MARAH RUIZ

Mistulang mababaliw na si Warren Cha.

Matapos niyang sumugal sa isang panibagong cast para sa kanyang programa, bumaba ang ratings nito at ngayon ay nanganganib makansela.

At ngayon ay na-assign pa sa kanya ang mga baguhang producers na kailangang i-train!

Paano ba ito pagkakasyahin sa magulo niyang propesyonal na buhay?

Si Cha Tae-Hyun, isa sa top comedic actors ng Korea ang gaganap bilang Warren Cha. Maraming makakaalala sa kanyang role sa hit Korean movie na My Sassy Girl kung saan nakapares niya si Jun Ji-Hyun na leading lady naman ng co-star niyang si Kim Soo-Hyun sa My Love From The Star.

Abangan siya sa The Producers, simula December 21, bago ang 24 Oras sa natatanging Heart of Asia, GMA!