Showbiz News

Regine Velasquez-Alcasid shares her plans for the holiday season

By ANN CHARMAINE AQUINO


Dahil nalalapit na ang Pasko, isa sa mga naging topic ng Sarap Diva ang holiday plans. Dito ibinahagi ni Regine Velasquez-Alcasid ang plano nilang pamilya para sa taong 2015.

Kuwento ni Regine, nilu-look forward niya ang kanilang pagpunta sa Australia kapag holidays. Pero this year, ang pamilya nina Michelle Van Eimeren ang bibisita sa kanila ngayong Pasko.

"This year, they're spending the Christmas here with us. Ang saya," excited na kuwento ni Regine.

Bukod sa kanilang pagsasama-sama tuwing Pasko, ibinahagi rin ni Regine ang favorite dish na ginagawa ni Michelle.

"Kami normally 'pag Pasko we spend it sa Australia and sila Michelle, siya 'yung nagluluto ng turkey at ang sarap sarap ng turkey."

LOOK: Regine Velasquez and Ogie Alcasid's home is ready for Christmas