Showbiz News

Mark Herras, hindi na naman nakaligtas sa 'Average Joe' prank ng kanyang 'Little Nanay' co-stars

By MICHELLE CALIGAN

The Batongbuhays are at it again!

Muling naisahan nina Juancho Trivino, Kris Bernal, and Chlaui Malayao ng 'Little Nanay' ang kanilang katrabahong si Mark Herras nang sayawan nila ito ng 'Average Joe.'


Matatandaang ito ang madalas sayawin ni Mark nang manalo siya bilang Ultimate Male Survivor sa kauna-unahang season ng 'StarStruck' back in 2003.

READ: Ano ang reaksyon ni Mark Herras sa pagsayaw ni Tinay at Chiechie ng 'Average Joe' sa 'Little Nanay?'

Hindi ito ang unang beses na ginugulat ng tatlo si Mark. Makikita sa Instagram account nina Juancho at Kris na pang-anim na pagkakataon na nila itong ginawa sa Bad Boy of the Dance Floor.