Showbiz News

Kapuso stars, inialay ang kanilang Christmas wish sa ibang tao

By CHERRY SUN

Mas dama ang pagmahahalan ngayong darating na Pasko dahil sa ibang tao inilaan ng ilang Kapuso stars ang kanilang Christmas wish.

WATCH: 'MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko, GMA's Christmas Station ID for 2015

Kapayapaan at kasiyahan ang panalangin ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose. Aniya, "I just wish [for] peace and happiness. Kasi 'di ba pag masaya ka, wala namang material thing na makapagpapalit sa kasiyahan ng isang tao. Sobrang priceless lang ng happiness."

Hiling ng 'Little Nanay' star na si Kris Bernal, "Siguro hindi na lang para sa akin ['yung Christmas wish ko], para sa ibang tao like 'yung mga prayers nila sana masagot ni Lord ngayong Pasko at sana matupad lahat ng dreams nila at 'yung wishes nila sa ibang tao."

Si 'Wowowin' host Willie Revillame, naniniwalang instrumento ang kanyang Sunday variety-game show para rin matupad ang hiling ng ating mga kababayan. Wish niya, "Matuloy na ang daily show."

"Alam ko ang kailangan ng tao. Ano ang kailangan? Happiness.  The Christmas wish is more of ano, peaceful dapat," patuloy niya.

Ang Christmas wish nina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at 'Asia’s Got Talent' Golden Girl na si Gerphil Flores naka-dedicate para sa bansa.


Wika ni Christian, "No more heavy traffic, that the right president be elected, [and] that OPM and music may thrive even more next year."

"I really wish for a better Philippines this 2016," saad naman ni Gerphil.