Showbiz News

Bagong Taon sa Dangwa!

Patuloy na tumitibay ang relasyon nina Rosa (Janine Gutierrez) at Lorenzo  (Aljur Abrenica) sa kabila ng pakikialam ng nanay ni Lorenzo na si Veronica (Jackie Lou Blanco).Sa pagbabalik ng ex-girlfriend niyang si Dianne (Stephanie Sol),  matutupad niya kaya ang pangako niya kay Rosa na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan?

Patuloy ding nagkakalapit sina Baste (Mark Herras) at Nana (Arriane Bautista) . Malalaman ni Baste na NBSB o "No Boyfriend Since Birth" si Nana, at mauuwi ito sa pagpapanggap nila na magboyfriend at mag-girlfriend sa isang date. Sa date na ito magkikita-kita sina Baste, Nana, Lorenzo at Rosa. Selosan. Pasiklaban. Hanggang sa magiging malinaw sa lahat na may pagtingin si Baste kay Rosa.

Magsisimula na bang magbago ang damdamin mula sa pagkaka-ibigan papunta sa pag-iibigan nina Rosa at Baste?

Samantala, magkakalove life din ngayong bagong taon ang ang kambal na sina Ella at Emma na gagampanan ni Glaiza De Castro. Sila ang Kambal sa Baga, ang sikat na fire dancers sa perya.  Kambal sa lahat ng bagay… kambal din ba silang iibig sa iisang lalaki (Boy 2 Quizon)?

Simulan  ang Bagong Taon na puno ng kilig at  may namumulaklak na pag-ibig. Tutok na sa 'Dangwa' 11 A.M. sa GMA7 mula Lunes hanggang Biyernes.