Showbiz News

Christopher de Leon joins ex-wife Nora Aunor in 'Little Nanay'

By AL KENDRICK NOGUERA

May Ate Guy ka na, may Boyet ka pa!

May bagong character na papasok sa Little Nanay sa pagdating ni Atty. Castañeda, ang bagong role na gagampanan ng batikang aktor na si Christopher de Leon.

Sa muling pagkakataon ay magsasama sa isang proyekto ang dating mag-asawa na sina Nora at Christopher. Ayon sa production staff ng nasabing teleserye, in good terms naman daw ang dalawa kaya't walang magiging problema.

Ngayong araw ang first taping ni Christopher sa Telebabad soap at mayroong kanya-kanyang Instagram posts ang cast na masayang tinanggap ang aktor sa set.

 

"Hindi ko maaring palampasin ang pagkakataong maka-selfie ang dalawa sa inirerespeto at itinuturing nating haligi ng industriya ng [pelikulang] Pilipino. Isang malaking karangalan ang makasama sila sa isang eksena," post ni Gladys Reyes.