Showbiz News

Ogie Alcasid, inaming nagka-boyfriend na ang kanyang anak na si Leila

By ANN CHARMAINE AQUINO


Sa pagbisita ni Ogie Alcasid sa 'Sarap Diva,' ibinahagi niya ang isang nakakatuwang detalye tungkol sa kanyang panganay na si Leila Alcasid.

Napaupo sa hotseat ang singer songwriter ng tanungin ni Inday (Terry Gian) at Jerald Napoles ang pakiramdam ng pagiging isang ama sa anak niyang 18 years old.

"Kay Leila? Nako papatayin ako ng panganay ko," biro ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, "Nagka-boyfriend na siya."

Para kay Ogie, iba ang pakiramdam na ang isa sa kanyang mga babies ay dalaga na.

"Weird noong una," kuwento ni Daddy Ogie.

Biniro naman niya sina Inday at Jerald, "Sana hindi tulad ko 'yung nakilala niya."

Look: Artistahing Anak ng mga Artista