TV

Karelasyon presents 'Misyonero'

Isang makabuluhang misyon ang sadya ng kambal na sina Jerry (Dominic Roco) at Sherwin (Felix Roco) sa tago at munting nayong pinamumunuan ni Tasoy (Leo Martinez).

Parte ng gagawin nilang pananaliksik sa nasabing komunidad ang magturo sa mga kabataan doon kung paano bumasa at magsulat.

Dahil sa malaking tulong na ibibigay nila, naging mainit at espesyal ang pagtanggap ng mga tao sa magkapatid.

Subalit higit pa sa pagmamalasakit sa isang bisita ang magiging pagturing ni Baning (Diva Montelaba) kay Jerry.

Aakitin niya ito sa paglalayong mapaibig ito at magdesisyong isama siya sa Maynila.

Dito magsisimula ang galit ni Abel (Rob Sy) sa magkapatid. Handa siyang gawin ang lahat huwag lang mapunta sa isang dayo sa kanilang lugar ang puso ng babaeng matagal na niyang minamahal.

Ito ang pagsubok na sisira sa misyon nina Jerry at Sherwin sa munting komunidad, na mula sa pagiging tahimik ay mababalot ng hidwaan at dahas nang dahil sa mga makasariling pagnanasa ng iilan.

Abangan ang istoryang ito sa Karelasyon! Samahan muli si Ms. Carla Abellana sa kanyang paglalahad ng mga kapanapanabik na kwentong base sa tunay na karanasan ng mga magkarelasyon!

Panoorin ngayong Sabado, January 9, pagkatapos ng Eat Bulaga!