Showbiz News

MUST-READ: Mga Dabarkads at Pia Wurtzbach, present sa wedding entourage nina Vic Sotto and Pauleen Luna

By MARAH RUIZ

Inilabas na rin ang pinakaaabangang wedding entourage sa kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna.

Bukod sa mga miyembro ng kani-kanilang mga pamilya, mapapansing punung-puno ito ng mga kapwa Dabarkads nila mula Eat Bulaga.

Kumpirmadong ninong sina Tito Sotto at Joey de Leon. Habang kabilang naman sa mga groomsmen sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Anjo Yllana.

Matron of Honor naman si Ruby Rodriguez at kabilang sa mga bridesmaids si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nangakong uuwi sa Pilipinas para sa kasal ng kaibigang si Pauleen.

Kabilang din sa listahan ng mga flower girls si Ryzza Mae Dizon.

Sa Eat Bulaga naman daw pormal na iaanunsiyo nina Bossing at Poleng ang petsa at lugar ng kanilang kasal.

Narito ang partial na listahan, ayon sa ulat ng Unang Balita:


Video courtesy of GMA News