Showbiz News

Wagas presents 'Asawa o Anak?'


Isang malubhang sakit ang nakatakdang humadlang sa kanilang wagas na pag-ibig.

Sa gitna ng masayang samahan, madidiskubre nila na positibo sa breast cancer si Mitch (Yasmien Kurdi). Pero positibo rin ang pananaw sa buhay ng dalawa, kaya’t hindi sila matitibag.

Pero hanggang saan ito? Positibo rin ang magiging resulta ng pregnancy test ni Mitch. Magkaka-anak na sila, at kailangan lang pumili ni James (Mike Tan) ng isa – ang asawang kanyang pinakamamahal? O ang anak na matagal na nilang pinakahihintay?

Hahantong nga ba sa wakas ang pag-ibig nilang Wagas?

Tampok sina Yasmien Kurdi at Mike Tan sa isang natatanging pagganap sa Wagas ngayong January 9, 2016 7PM sa GMANEWSTV.