TV

Direk Mark Reyes, naghahanda na para sa 'Encantadia'

By AL KENDRICK NOGUERA

Isa na siguro sa mga pinaka-busy na direktor ngayong 2016 si Mark Reyes dahil sunod-sunod ang projects na natatanggap niya sa Kapuso network.

Base sa kanyang post sa Instagram, siya ang hahawak sa Encantadia na inaasahang ipapalabas ngayong taon.
 

 

 

LOOK: 'Encantadia' fan-generated photos, kumakalat sa Internet 

Bukod sa paghahanda sa inaabangang show, si Mark din ang direktor ng malapit nang matapos na Afternoon Prime soap na The Half Sisters at ang nangungunang Telebabad teleserye na Because of You.