Showbiz News

Ano ang natupad na Christmas wish ni Kapuso star Carla Abellana?

By BEA RODRIGUEZ

Vocal ang Kapuso star na si Carla Abellana sa social media tungkol sa kanyang adbokasiya na paglaban sa mga karapatan ng mga hayop na mabigyan ito ng ligtas na pamumuhay.

Bilang pet lover at Philippine Animal Welfare Society (PAWS) volunteer, tinawag ng aktres ang atensiyon ng mga taong nang-abuso ng mga aso sa Panglao, Bohol. Siya mismo ang naglalakad ng kaso kaugnay sa animal cruelty na naganap noong Nobyembre.

READ: Carla Abellana’s early Halloween Treat: judge at PAWS’s ‘Scaredy Cats and Dogs’ 

Hindi napunta sa Because of You star ang kanyang hiling noong Pasko kundi para sa mga naabusong hayop.“Isa [ito] sa mga Christmas wish ko last year. Meron akong medyo serious [na] kaso of animal cruelty na tinututukan sa Bohol,” saad niya sa Unang Hirit.

Masaya ang aktres dahil kahit papaano umasenso ang kasong ipinaglalaban niya, “Nagawan na ng paraan. Thankfully, nakapag-meeting na [at] meron na kaming nakuhang confession [at] witness. Kumbaga, we can proceed with the case ng animal cruelty dun sa Bohol.”

Dagdag pa niya, “Christmas wish ko ‘yun, hindi materyal na bagay kundi magkaroon lang ng progress ‘yung kaso. Success naman, may laban na talaga ‘yung [mga] aso.”

READ: ‘Ismol Family’ actress Carla Abellana supports closing down zoos with poor facilities