Showbiz News

MUST-READ: What were the last words of Kuya Germs to Kapamilya actor Marlo Mortel?

By AEDRIANNE ACAR

Ibinahagi ng former Walang Tulugan star Marlo Mortel sa Instagram ang huling pag-uusap nila ng kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si German Moreno.

LOOK: Stars of major networks mourn the death of the Master Showman

READ: Marlo Mortel goes back to 'Walang Tulugan'

Ayon sa Kapamilya talent, napakasakit daw nang nalaman niya ang balita na namatay na ang kanyang mentor. Pumanaw si Kuya Germs kaninang umaga dahil sa cardiac arrest. Noong January 2015, inatake ng mild stroke ang Kapuso TV host at naospital ng ilang buwan.

“Sobrang nakakalungkot ang pagkawala mo Kuya Germs. Last week lang tumawag ka pa sakin para i-congratulate ako,” aniya.

Kuwento pa ng binata, malaki ang utang na loob niya sa veteran TV host dahil ito raw ang tumulong sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

“Sa mga hindi po nakakaalam, sa kanya ako nagsimula. Napakabait po niya, wala siyang hangad kung hindi matulungan ako. Noong walang pumapansin sakin, isa sya sa nagtyaga, naniwala sakin at tumayong manager ko ng walang hinihinging kapalit. You are a big part of my life "tatay" wala ako ngayon dito kung hindi dahil sayo.”

May panghihinayang din daw si Marlo na hindi niya personal na nakita si Kuya Germs ng minsan mag-guest siya sa Walang Tulugan dahil sumama ang pakiramdam nito.

Saad ni Marlo, “A few weeks ago, dumalaw ako sa Walang Tulugan to see you kaso galing pa kong airport kaya late na ko nakadating and kakaalis mo lang.”

"But still you called me to say sorry kasi masama na pakiramdam mo kaya kailangan mo nang umalis and the reason you went home that late was because you tried waiting for me and your final words were "Love you!" Love you too Kuya Germs maraming salamat sa lahat! #ripkuyagerms”