Showbiz News

Megastar Sharon Cuneta, nagluluksa sa pagkawala ng kanyang Tatay Germs

By ANICA SAMODIO

Malungkot na ikinuwento ni Megastar Sharon Cuneta ang huli sanang pagkakataon niyang makausap si Kuya Germs.

Noong nakaraang Miyerkules (January 6), dalawang araw bago tuluyang magpaalam si Kuya Germs, tumawag daw ito sa Megastar para bumati sa kanyang birthday ngunit hindi niya ito nasagot. Ikinagulat din ni Sharon ang malungkot na balita dahil isang taon lang ang nakalipas nang pumanaw ang kanyang ina.

“Na-train na ako physically, emotionally, and mentally kasi kabababang luksa ko lang sa mommy ko, last year lang siya (pumanaw) tapos that was January 8 (2015) kaya laking gulat ko na the next day si Tatay Germs ko naman. Kaya talagang pagod na pagod na ako sa kakaiyak at mawalan ng mahal sa buhay,” ani Sharon.

WATCH: Mga personalidad sa showbiz, inalala si Kuya Germs

Nabanggit din ng Megastar ang malaking tulong ni Kuya Germs hindi lang sa kanya kundi sa karera ng maraming artista.

“Sa bawat isang bata na tinulangan niya na magkaroon ng konting trabaho, na matupad kahit kapiraso lang ng pangarap maging artista siguro nakatulong siya dun sa mga pamilya. Kung bibilangin mo hindi mo mabibilang dahil libo-libo siguro ang natulungan ni Kuya Germs in his 50 years.”

READ: Ang habilin ni Kuya Germs sa mga alagang artista

Itinuring ni Sharon na tatay ang isa sa unang naniwala sa kanyang kakayanan sa pag-arte kung kaya’t nangungulila siya sa pagkawala ng nag-iisang Master Showman.


Video courtesy of GMA News