Showbiz News

Sef Cadayona namamangha sa production at creative team ng 'Bubble Gang'

By AEDRIANNE ACAR

Puro pasasalamat ang nasambit ng Kapuso comedian na si Sef Cadayona sa panayam ng GMA Network.com para sa 20th anniversary ng longest running at high rating gag show na ‘Bubble Gang.’

Yummy na, funny pa!

Meet the unbeatable laughteam of SeTong

Pinuri nito ang production staff at creative team ng show sa dedication nila sa kani-kanilang trabaho.

Aniya, "I guess para sa makakarinig nito, at makakabasa kumbaga vessel man kami as actors to portray characters on TV, 'yung mga gumagawa po nun eh ang napakatatalino, napakahuhusay na staff ng 'Bubble Gang' po."

"Dahil kung hindi po sa kanila 'eh di hindi kami magiging vessel, wala rin kaming gagawin. Napakalaking pasasalamat namin sa Creative dahil for 20 years ginagawa nila 'to at hindi sila nauubusan."

Nakaka-inspire din daw ayon kay Sef na ganun pa rin sila kagutom na matuto at kasipag na ma-improve pa nila ang kanilang skills at talent.

"Parang they just keep on evolving na I guess hindi lang sa comedy, pero siguro sa larangan ng trabaho na parang ang gandang inspirasyon na they never stop learning and they never stop evolving,"

"Hindi porket eto na pinakamagandang comedy gag show ang 'Bubble Gang' hindi sila doon nagtapos. Nag-develop sila ng bagong sketches, kinuha nila kami [giggles] kaya very thankful kami sa kanila," dagdag ng Kapuso star.