Showbiz News

Isko Moreno on Kuya Germs: 'He is like a father to me. He gave me an opportunity'

By ANN CHARMAINE AQUINO

"Napakaraming bata na produkto si Kuya Germs but I was one of the few na lagi niyang kasama sa kotse. Gusto kong i-share sa inyo 'yung mga bagay na itinuturo niya 'di lang dahil sa pag-aartista kundi dahil ibinibilin niya sa amin kung paano maging mabuting tao." Ito ang isa sa mga naging pahayag ni Isko Moreno sa ginanap na necrological service para kay German 'Kuya Germs' Moreno nitong January 13 sa GMA Network.

EXCLUSIVE: Kuya Germs comes home

Isa sa mga tumatak na aral ni Kuya Germs kay Isko ay ang pag-iipon para makapaghanda sa kanilang kinabukasan. Kuwento ni Isko, "Si Kuya Germs po ang nagturo sa aking maglibreta. Dinala niya po ako sa Broadcast City. Mayroon pong branch doon na Traders Royal Bank, tinuruan niya akong magbukas ng account."

"Sabi niya kasi alam mo Isko ang mga artista ayos lamang 'yan pagka banat pa ang mukha mo. 'Pag nagka-wrinkles ka na, may ipapanganak na bagong bata, mas guwapo sa 'yo, mas magaling sa 'yo. Darating ang oras sila naman ang sisikat," dagdag ng dating That's Entertainment talent.

Hindi rin daw makakalimutan ni Isko ang panahon kung saan nagkaroon ng offer ang GMA Supershow sa ibang network. Sa pag-uusap nila, nakita ni Isko ang loyalty ni Kuya Germs sa GMA.

"GMA Supershow has been offered a sum of money and a good spot somewhere else tapos nag-aalala ako kasi nagkaroon ng rigodon. Sabi niya 'O kinausap na ako. Sabi ko, 'Inofferan ka ba?' You know what he (German Moreno) said? 'Nakakahiya kay Mr. Jimenez.' (Menardo Jimenez Sr. is the president and CEO of GMA-7 from 1976 to 2000). Sabi niya, 'Okay na ako dito, masaya na ako.'"

Dagdag ni Isko "He's really loyal. When he's a friend, he's a friend. 'Pag may nakita siya sa 'yo, all the way. Even when somebody or others do not believe in you, he will continue [to believe in you]."

Isang pasasalamat ang sinabi ni Isko para kay Kuya Germs na tumayong tatay niya sa mundo ng show business. Aniya, "He is like a father to me. He gave me an opportunity."

READ: Mga apo ni Kuya Germs, nagbahagi ng kanilang mga alaala

EXCLUSIVE: Farewell to the one and only Master Showman