Showbiz News

'That's Entertainment' stars reunite to pay tribute to Kuya Germs in 'Walang Tulugan'

By FELIX ILAYA

Hinding-hindi talaga makakaila ang mga kontribusyon ni Kuya Germs sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Madaming mga bata ang nabigyan ng oportunidad maging artista at dahil sa kaniya, ngayon ay matatayog na ang kanilang careers.

Sa pagpanaw ng ating minamahal na Master Showman, ang ilan sa mga artistang pinasikat ni Kuya Germs ay nagsama-sama muli upang magbigay pugay para sa kanilang tatay-tatayan sa showbiz.

WATCH: Fans ni Kuya Germs, naghandog ng munting regalo sa kanyang mga naulila 

Tunghayan ang Walang Tulugan with the Master Showman mamayang gabi upang mapanood ang mga iniidolo niyong That's Entertainment stars noon na mag-aalay ng performance para sa yumaong star-maker na si German Moreno.


Tingnan ang ilang behind-the-scenes photos na kuha mismo ng Thursday group member na si Gladys Reyes.

WATCH: Shalala, emosyonal na ginunita ang alaala ni Kuya Germs